Isa ito sa napaka gandang lugar na aking napuntahan. Ito ay ang Minalungao National Park na matatagpuan sa General Tinio, Nueva Ecija. Makikita ninyo dito ang napaka linis at malinaw na ilog Minalungao. Makikita nyo rin dito ang bato na naka paligid sa ilog na parang alon. Pwede nyo ring pasukin ang napaka lamig na Kweba ng Minalungao. Maari din kayo sumakay sa balsa sa napaka murang halaga at pam pamilya pa.



